About Me

My photo
I like Cardcaptor Sakura! and also, FullMetal Alchemist: Brotherhood!

Friday, January 23, 2009

Dr. Jose Rizal: Pag-aaral sa Calamba at Biñan

Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Binan. Nang panahong iyon, ganoon ang karaniwang edukasyon para sa isang anak ng isang Ilustrado, na binubuo ng apat na aralin – PAGBASA, PAGSULAT, ARITMETIKA, AT RELIHIYON. Ang pagtuturo ay mahigpit at istrikto. Ang pagbibigay ng kaalaman ay ipinipilit sa mag-aaral sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya ng mga aralin na may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Ganito man ang kamalian sa sistema ng edukasyon ng mga Espanyol, nakapagtapos din si Rizal ng pag-aaral na siyang paghahanda niya para sa kolehiyo sa Maynila at ibang bansa. Masasabing si Rizal, na ipinanganak na masakitin, ay naging higanteng intelektwal kahit na sinauna pa ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas noong mga huling dekada ng Panahon ng Espanyol.

source: http://www.joserizal.ph/ge13.html

Dr. Jose Rizal: Ang Unang Guro ng Bayani

Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina, na katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa kanyang kandungan sa edad 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. " Ang aking ina, sabi ni Rizal" ang nagturo sa aking ng pagbasa at magdasal.

Bilang guro, si Donya Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat itong magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng pagkukuwento.

Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng guro ng magtuturo sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si MAESTRO LUCAS PADUA. Kinalaunan, isang matandang lalaki, si LEON MONROY na dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyol at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.

Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Binan.

source: http://www.joserizal.ph/ge14.html

Dr. Jose Rizal: Nagtungo si Rizal sa Biñan

Isang Linggo ng Hunyo, 1869, pagkaraang makapagmano sa mga magulang at makapagpaalam sa mga kapatid na babae, nagtungo si Rizal sa Binan. Sinamahan siya ni Paciano, na siyang pangalawa niyang ama. Ang magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang patutunguhan pagkaraan ng isa’t kalahating oras. Nagtungo siya sa bahay ng kanilang tiya kung saan mangungupahan si Rizal. Magdidilim na nang makarating sila roon at malapit nang sumikat ang buwan.Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si Leandro . Sa halip na matuwa sa pamamasyal naramdaman ni Jose na hinahanap-hanap na niya ang mga magulang at kapatid. " Kapag maliwanag ang buwan," naalala niya, "pumasok sa aking isipan ang aking bayan, ang hinahangaan kong ina, at mga mapagbigay na kapatid. A, totooong napamahal sa akin ang Calamba, ang aking bayan , kahit na hindi ito kasingyaman ng Biñan.

source: http://www.joserizal.ph/ge15.html

Dr. Jose Rizal: Unang Araw sa Paaralan ng Biñan

Kinaumagahan (Lunes), dinala ni Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni MAESTRO JUSTINIANO AQUINO CRUZ. Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan, mga 30 kilometro, mula sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil siya ay naging estudyante niya noon. Ipinakilala niya si Jose sa Guro. At pagkaraa’y bumalik na siya sa Calamba. Kaagad na binigyan ng sariling puwesto si Rizal sa kanilang klase. Tinanong siya ng guro: "Marunong ka bang mag-Espanyol?" "Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng batang taga-Calamba. "Marunong ka bang mag-Latin?" "Kaunti po, Ginoo." Nagtawanan ang mga kaklase niya, lalo na si Pedro na anak ng guro.

Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Binan. "Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina NEBRIJA AT GAINZA. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".

source: http://www.joserizal.ph/ge16.html

Dr. Jose Rizal: Unang Pakikipag-away sa Paaralan

Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta , nagkaharap sina Jose at Pedro. Nagalit siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan siya nito habang nakikipag-usap sa guro ng umagang iyon. Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Hindi naman nagdalawang isip si Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga –Calamba na mas bata at mas maliit sa kanya.

Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking batang ito. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.

Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si ANDRES SALANDANAN, ang humamon sa kanya ng bunong-braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.

Sa mga sumunod na araw, lagging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki ng Binan. Hindi naman siya palaaway ngunit hindi niya tinakbuhan ang anumang away.

source: http://www.joserizal.ph/ge17.html

Dr. Jose Rizal: Pinaka mahusay na mag-aaral

Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Binan. Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino . Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro tuwing nakikipaaway siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo.

source: http://www.joserizal.ph/ge18.html

Dr. Jose Rizal: Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan

Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong TALIM sa Binan na siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. Nang mabasa niya ang sulat , nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Binan kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.

Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17,1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.

source: http://www.joserizal.ph/ge19.html

Dr. Jose Rizal: Debotong Anak ng Simbahan

Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting Katoliko si Rizal. Sa edad 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siyang magbasa ng bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol.

Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang "Manong Jose" ng mga Hermanos at Hermanas Terceras.

Isa sa mga iginagalang at pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nagyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay.

source: http://www.joserizal.ph/ge20.html

Intelligence is inherited but it needs to be nurtured.

Intelligence refers to all-around effectiveness of an individual’s mental processes, particularly his or her comprehension; learning and recall; and thinking and reasoning capacities. Because no one can observe or measure the mind as such one can only infer a person’s intelligence from his or her behavior in various situations. Initially, intelligence was conceived of as innate brain power –that which distinguishes the more highly evolved animals from simpler organisms, and geniuses from average persons. Scientists now realize that the development of intelligence, although partially determined by heredity, also depends on the stimulating or suppressing character of the environment in which an individual is reared.

Originally, intelligence was also conceived of as a unitary power or faculty of the mind. Experimental studies have shown that intelligence includes numerous, partially distinguishable factors, such as verbal, spatial, memorizing, and reasoning abilities. Thus it is preferable to think of intelligence as a collection of a large number of highly varied overlapping skills, rather than as a single faculty.

Jean Piaget takes a different point of view, altogether emphasizing the development of children’s mental skills through a series of stages of increasing complexity and rationality. Piaget explores the limitations and growth of young children’s thinking rather than merely measuring intelligence.

It is no longer claimed that the intelligence quotient or IQ remains constant over long period of time. Caution is necessary before using an IQ score to attempt to predict high or low achievement in school or daily life. School achievement depends at least as much on interest, home support, and the quality of instruction as it does on intelligence. Occupational success is even more a matter of personality, opportunity and specialized talents.

Intelligence tests are currently under heavy fire regarding the extent to which they measure genetic or inherited ability as opposed to reflecting the type of upbringing, social background, and education of a person. The tests were originally devised with a view to measuring potential ability, free from influence of wealth and privilege.

The reasonably close IQs of identical twins reared in different homes are taken to demonstrate genetic determinism. The most effective type of stimulation seems to provide by the mothers of such children through playing, talking, and interacting with their babies. Improvements in maternal and infant health and nutrition also play some part. This does not mean that there is any easy recipe for training children to be more intelligent. For example, providing additional schooling may have no lasting effect; and coaching on intelligence tests may raise children’s score without affecting their overall intellectual capabilities.

Intelligence is inherited but it needs to be nurtured.

Intelligence to I.Q Test