-->
- Pagsilang ng Pambansang Bayani
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor (siruhano sa mata), makata, mandudula't mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan . Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo.Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:"Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon."
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga – Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay pinili ng kanyang ina sa deboto kaySan Jose .
Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya,gaya ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo.
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga – Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay
Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya,
- Mga Alaala ng Kabataan
Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinipon ng kanyang ina ang mga anak para makapagdasal na sa Orasyon. Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawan ng mabilog na buwan ang kanilang azotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose) ng mga kuwento tungkol sa engkantada, kuwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante, at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang pumukaw sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong bayan. May mga gabing ayaw kumain ng hapunan ni Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga aswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong Bombay na kukuha sa kanya kung hindi siya maghahapunan.
Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi. Kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog, kung saan nakatatakot na imahen ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: "Dahil ang aking puso ay maraming malulungkot na kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na rehiyon ng kababalaghan."
- Ang Unang Kalungkutan ng Bayani
Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha, sanhi ng sakit noong 1865 nang siya at tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang",sabi niya, "namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal…" Ang pagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya.
- Peregrinasyon sa Antipolo
Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang Peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata, tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa "kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi’.
Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila. Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana.
- Ang Kwento ng Gamugamo
Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit hindi niy ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito.
"Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?".
Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis.
Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata.
Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin.
- Mga Talinong Pansining
Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba at lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal.
Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak, pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at mala gatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig sa awitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama na tinawag niyang ALIPATO,at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang USMAN.
Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa kanyang eskulturang luwad. Isang araw nang siya ay anim na taong gulang, pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habang nagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: " Sige pagtawanan ninyo akon nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.
Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".
Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika ang siyang makikipaglaban para sa kalayaan tulad ng "ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan", at ang Tagalog nga ay wikang maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol at iba pang wika.
- Unang Drama ni Rizal
Isang Gobernadorcillo mula Paete, isang bayan sa Laguna na kilala sa lansones at mga lilok na kahoy, ang nakapanood ng komedya. Nagustuhan niya ito at binili ang manuskrito sa halagang dalawang piso. Itinanghal ito sa isang Pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood.
- Si Rizal Bilang Batang Salamangkero
- Mga Pagmumuni-muni sa Tabing Lawa
Maraming oras ko noong aking kabataan ang inilagi ko sa tabi ng lawa, Lawa ng Laguna. Pinag-iisipan ko kung anong mga bagay ang nasa hinaharap. Napapanaginipan ko ang lugar sa kabila ng mga alon. Halos araw-araw, sa aming bayan, nakikita namin ang Tenyente ng Guardias Civiles na namamalo at nananakit ng mga di-armado at walang kasalanang taumbayan. Ang tanging kasalanan ng aking kababayan ay ang di pagtatanggal ng kanyang sumbrero at yumukod. Hindi rin maganda ang pagtrato ng alkalde sa mahihirap kong kababayan.
Wala akong nakitang pumipigil sa mga kalupitang ito. Mga gawaing marahas at iba pang pang-aabuso na araw-araw na ginagawa…tinanong ko ang aking sarili kung sa lupain sa kabila ng lawa’y ganito rin ang nararanasan ng mga naninirahan doon. Naisip ko kung doon ay pinahihirapan at pinagpapapalo ang isang taumbayan dahil lamang sa mga suspets: Iginagalang ba doon ang tahanan? O sa dako ring yao’y may kapayapaan kapalit ng suhol sa mga tirano.
Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol ang mura niyang puso kaya nagkaroon itong determinasyon para labanan ang tirano. Nang maging binata, isinulat niya sa kaibigang si Mariano Ponce: Dahil sa mga walang katarungan at kalupitan, kahit na bata pa, ang aking imahinasyon ay ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihiganti ko ang maraming biktima. Ito ang nasasa isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para maisakatuparan ko ang aking pangako.
- Mga Impluwensya sa Kabataan ng Bayani
Si JOSE RIZAL ang naging tanyag at dakila?
Sa buhay ng tao, may mga impluwensiyang nagiging sanhi para maging dakila siya o hindi. Sa kaso ni Rizal, nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya na hindi naranasan ng ibang kapanabay niya. Ito ang mga impluwensiya: (1) impluwensiyang namana, (2) impluwensiya ng kapaligiran, at (3) tulong ng Maykapal.
Impluwensiyang Namana
Ayon sa siyensiyang biolohikal, may mga katangian ang isang tao na sadyang minanamula sa mga nuno niya’t magulang. Mula sa mga nunong Malaya, kitang-kitang namana ni Rizal ang pag-ibig sa kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan. Mula sa mga nunong Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at mapagmahal sa mga bata. Mula sa nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramdamin sa mga insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at pagiging malaya sa pag-iisip. At mula sa kanyang ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at pagmamahal sa sining at literatura.
Impluwensiya ng Kapaligiran
Ayon sa mga sikolohista, ang kapaligiran, gaya rin ng pagmamana, ay nakaapekto sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa mga impluwensiya sa kapaligiran ang mga lugar, kakilala at pangyayari. Ang magagandang tanawin sa Calamba at magandang hardin ng mga Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura. Ang relihiyosong kapaligiran sa kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso. Ang kanyang kapatid na si Paciano ang nagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan. Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang maging magalang at mabuti sa kababaihan. Ang mga kuwento isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya noong siya’y bata pa ang gumising sa interes niya sa kuwentong-bayan at alamat.
Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring impluwensiya sa kanya. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-aral ng labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naging inspirasyon niya para mapanday ang kanyang talino sa sining. Si Tiyo Manuel, na isang lalaking mahilig sa palakasan , ang humikayat sa kanya na magpalakas at magpalaki ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na ang pangangabayo, paglalakad, at pagbubuno. At si Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat.
Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda;t maalam na kura paroko ng Calamba, ay isa sa mga impluwensiya na tumulong kay Rizal sa pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at katapatang intelektuwal.
Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, gaya ng pagkamatay ni Concha noong 1865 at pagkakapiit ng kanyang ina noong 1871-74, ang nakatulong nang malaki sa pagpapatatag ng kanyang katauhan, na tumulong sa kanya para labanan ang mga hamon sa buhay. Ang mga pang-aabuso at kalupitan ng tenyente ng mga Guardias Civiles at alkalde, ang walang-katarungang pagmamalupit sa mga inosenteng Pilipino, at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora noong 1872, ang gumising sa kanyang diwa ng pagiging makabayan at naging inspirasyon para isakripisyo ang buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan.
Tulong ng Maykapal
Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng maykapal ang siya ring humuhubog sa kapalaran ng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa kanyang buhay-talino, yaman, at kapangyarihan- ngunit kung walang tulong ng Maykapal , hindi niya makakamit ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng diyos para sa pagpapahalaga at kadakilaan ng kanyang bansa. Ang diyos ay nagbiyaya sa kanya ng maraming regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain.
- Pag-aaral sa Calamba at Biñan
- Ang Unang Guro ng Bayani
Bilang guro, si Donya Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat itong magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng pagkukuwento.
Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng guro ng magtuturo sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si MAESTRO LUCAS PADUA. Kinalaunan, isang matandang lalaki, si LEON MONROY na dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyol at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.
Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Binan.
- Nagtungo si Rizal sa Biñan
Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si Leandro . Sa halip na matuwa sa pamamasyal naramdaman ni Jose na hinahanap-hanap na niya ang mga magulang at kapatid. " Kapag maliwanag ang buwan," naalala niya, "pumasok sa aking isipan ang aking bayan, ang hinahangaan kong ina, at mga mapagbigay na kapatid. A, totooong napamahal sa akin ang Calamba, ang aking bayan , kahit na hindi ito kasingyaman ng Biñan.
- Unang Araw sa Paaralan ng Biñan
Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Binan. "Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina NEBRIJA AT GAINZA. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".
- Unang Pakikipag-away sa Paaralan
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking batang ito. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si ANDRES SALANDANAN, ang humamon sa kanya ng bunong-braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga sumunod na araw, lagging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki ng Binan. Hindi naman siya palaaway ngunit hindi niya tinakbuhan ang anumang away.
- Pinaka mahusay na mag-aaral
- Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan
Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17,1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.
- Debotong Anak ng Simbahan
Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang "Manong Jose" ng mga Hermanos at Hermanas Terceras.
Isa sa mga iginagalang at pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nagyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay.
Reference: http://tagalog-translator.blogspot.com/2007/09/story-of-moth.html
STORY OF THE MOTH-ANECDOTE OF JOSE RIZAL
When I had not yet seen other rivers except the river of my town, crystalline and gay in its winding course, shaded by murmuring bamboo groves; when my world was only circumscribed by the bluish mountains of my province and the white surface of the lake that I discerned from after through some ruins, sparkling like a mirror and filled with graceful sails, I like stories very much and I believed with all my heart everything the books contained, convinced that what was printed must perforce be the truth. And why not, since my parents, who punished me for the smallest lie, emphatically enjoyed me to attend to my books, to read them diligently and understand them.
My first remembrance concerning letters goes back to my earliest age. I must be very small yet because when they polished the floor of our house with banana leaves, I would still fall slipping on the shiny surface as did the little skilled skaters on ice. It was still difficult for me to climb up a chair, I went down the stairs step by step, holding on to every baluster, and in our house as in the whole town, petroleum was unknown, or had I seen until that time any quinque, (34) nor had any carriage ever passed through the streets of my town that I believed to be the summum (35) of joy and animation.
One night, when everybody at home was already asleep, when all the lights in the globes (36) had already been put out by blowing them off by means of a curved tin tube which seemed to me the most exquisite and wonderful toy in the world, I don’t know why my mother and I had remained watching beside the only light that in all Philippine houses burned all night long, and that went out precisely at dawn waking the people with its cheerful hissing.
My mother then was still young. After a bath her hair which she let down to dry, dragged half a handbreadth on the floor, by which reason she knotted its end. She taught me to read in Amigo de los Niños, a very rare book, an old edition, which had lost its cover and which a very industrious sister of mine had covered again by pasting on its back a thick blue paper, the remnant of the wrapper of a bolt of cloth. My mother undoubtedly annoyed at hearing me read pitifully, for, as I didn’t understand Spanish, I could not give meaning to the phrases, took away the book from me. After scolding me for the drawings I had made on its pages, with legs and arms extended like a cross, she began to read asking me to follow her example. My mother, when she cold still see, read very well, recited, and knew how to make verses. How many times during Christmas vacation afterwards, she corrected my poems, making very apt observations. I listened to her full of childish admiration. Marveling at the ease with which she made them and at the sonorous phrases that she cold get from some pages that cost me so much effort to read and that I deciphered haltingly. Perhaps my ears soon got tired of hearing sounds that to me meant nothing. Perhaps due to my natural distraction, I gave little attention to the reading and watched more closely the cheerful flame around which some small moths fluttered with playful and uneven flight, perhaps I yawned, be it what it might, the case was that my mother, realizing the little interest that I showed, stopped her reading and said to me: “I’m going to read to you a very pretty story; be attentive.”
Upon hearing the word story I opened my eyes expecting a new and wonderful one. I looked at my mother who leafed through the book as if looking for it, and I got ready to listen with impatience and wonder. I didn’t suspect that in that old book that I read without understanding, there could be stories and pretty stories. My mother began to read to me the fable of the young and the old moths, translating it to me piece by piece into Tagalog. At the first verses my attention redoubled in such a way that I looked towards the light and fixed my attention on the moths that fluttered around it. The story could not have been more opportune. My mother emphasized and commented a great deal on the warnings of the old moth and directed them to me as if to tell me that these applied to me. I listened to her and what a rare phenomenon the light seemed to me more beautiful each time, the flame brighter, and I even envied instinctively the fate of those insects that played so cheerfully in its magical exhalation. Those that had succumbed were drowned in the oil; they didn’t frighten me. My mother continued her reading, I listened anxiously, and the fate of the two insects interested me intensely. The light agitated its golden tongue on one side, a singed moth in one of these movements fell into the oil, clapped its wings for sometime and died. That assumed for me that the flame and the moths were moving far away, very far, and that my mother’s voice acquired a strange, sepulchral timbre.
My mother finished the fable. I was not listening; all my attention, all my mind and all my thoughts were concentrated on the fate of that moth, young, dead, full of illusions.
“You see?” my mother said to me taking me to bed. “Don’t imitate the young moth and don’t be disobedient; you’ll get burned like it.”

Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Jose Rizal