About Me

My photo
I like Cardcaptor Sakura! and also, FullMetal Alchemist: Brotherhood!

Thursday, October 23, 2014

“Bulacan Day” By Kim de Ere.

Noong unang panahon, may dalawang magkasintahan na nagmamahalan. Talaga namang natutuwa sa kanila ang mga tao.

Lahat ng tao alam ang istorya ng buhay nila. Kung paano sila nagkakilala. Kung paano sila nahantong sa pag-iibigan.

Naglalakad si Leslie nun. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang alam niya, gusto niyang magliwaliw. Sa kakalakad niya, hindi niya namalayan na may nabunggo na pala siya. Isang gwapong lalaki. Napatitig siya rito.

“Pasensya ka na. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.” Paghihingi niya ng tawad. Napailing naman ‘yong lalaki.

“Hindi. Ako ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko kaya patawad.” Natawa naman silang dalawa ng mapansin nilang parehas silang umaako ng kasalanan.

Para walang away, tayong dalawa na lang ang may kasalanan, ayos ba ‘yon?” pakikipagkasundo ni Leslie sa estranghero.

“Ayos lang ‘yon. Ako nga pala si Rick.” Pagpapakilala ng binata.

“Ako naman si Leslie.” Nahihiya niyang pakilala. Hindi nila namamalayan na patungo nap ala sila sa parke. Ni hindi nila alam kung paano sila nakarating dun dahil wala sila sa sarili nila sa mga panahon na ‘yon.

Parehas silang nagtataka. Hindi lang nila maitanong sa isa’t-isa dahil parehas silang nahihiya.

Instead, nagsaya na lang sila. Nagswing sila. Hindi nga lang sanay si Leslie na magduyan at napansin ‘yon ni Rick kaya naman siya na ang nagtulak ng duyan para kay Leslie. Kung iisipin niyo, ang romantic ng scene. Tama kayo. Ang romantic nga.

“Na love at first sight ata ako” sa isip isip ni Rick. Pero kaagad naman niyang inalis sa isipan ‘yon. Hindi naman kasi talaga totoo ang love at first sight.

Nagkwentuhan lang sila. Nag get-to-know-each-other. Marami silang nalaman sa isa’t-isa kaya naman simula nung araw na ‘yon, na-in love sila sa isa’t-isa. Hindi nila alam na parehas sila ng nararamdaman dahil nahihiya silang umamin.


Ganun lang din ang nangyari nung mga nakalipas na araw. Napapadalas ang pagkikita nila. Hanggang sa hindi na nakapagpigil pa ang binata at umamin na siya ng pag-ibig niya kay Leslie.

“Les, mahal kita mula nung una pa lang.” Nagulat si Leslie. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya alam kung paano magrereact.

“Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Ang akin lang, inamin ko lang sa’yo dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para sa’yo.” Pagpapaliwanag ng binata. Para namang sinampal sa mukha si Leslie nun kaya bigla siyang nabalik sa mundo.

“Ano ka. Mahal din kaya kita.” Nahihiya niyang sabi. Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong bagay.

“Talaga?” Hindi makapaniwalang tugon ni Rick.

“Oo. Ayaw mo ata eh.” Pangloloko ni Leslie.

“Siyempre naman gusto ko no.” tugon ni Rick.

Mula noon, nagging Masaya na sila. Bagamat minsan, nagkakaroon sila ng tampuhan, pagtatalo, selosan at iba pang pinagdadaanan ng magkarelasyon.

Nang makatapos sila ng pag-aaral nila, nagpasya silang magpakasal. Hindi lang sila isang beses nagpakasal, kundi, napakaraaaaaaaaaaaaming beses.

Hinangaan ng lahat ng tao ang istorya nila kaya naman napagpasiyahan nilang gawin itong holiday. Pinangalan nila itong, “Bulacan Day”. Bibihira lang daw kasi ang may ganiyan katinding pag-iibigan sa isa’t-isa. Maraming naghangad na magkaroon ng love storing kagaya nila Rick ngunit subalit datapwa’t hindi nila magawa. Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi nila ganoon kamahal ang isa’t-isa kagaya ng pagmamahalan nila Mr. and Mrs. Bulacan.


Kaya kung nagtataka kayo kung bakit maraming beses natin isine-celebrate ang bulacan day, dahil ‘yon sa sobrang daming kasalan na ginawa ni Leslie at Rick.

No comments: