About Me

My photo
I like Cardcaptor Sakura! and also, FullMetal Alchemist: Brotherhood!

Friday, February 13, 2009

Lesson Plan about EXCELLLENCE

For BSE II-A

For 2 hour period

Tuesday

Learning Competency:

Understand the meaning of Excellence, the difference between Excellence and Perfection, and the steps on how to be an excellent person.

Detailed Lesson Plan in God and Community

I. Objectives

At the end of the lesson the students are able to:

1. Define Excellence.

2. Differentiate Excellence and Perfection.

3. Identify the steps on how to become an excellent person.

4. Explain each step on how to become an excellent person.

5. Reflect on their own experiences in what field/area did they excel.

II. Subject-Matter

A. Topic: Excellence

B. Reference: http://www.ehow.com, http://www.constructionexecutive.com, and http://stress.about.com

C. Materials: flash cards

D. Learning Strategies: lecture-discussion

E. Skills: Defining terms, Predicting, Critical-Thinking/Reasoning.

III. Learning Strategy

A. Recall or review of the previous lesson.

Teacher’s Activity

Student’s Activity

1. What did you learn last meeting?

I learned about Teamwork and its importance.

2. Which of the things that you have mentioned that you like most?

I liked the importance of teamwork.

3. What could be the reason that you had liked it?

If there would be no teamwork it would be difficult for us to accomplish any tasks.

B. Motivation

1. Do you think you consider yourself an excellent person?

Answer will vary.

C. Lesson Proper

1. Pre-Activity

a. Prepare the materials needed for the activity.


b. Give instructions for the activity:

Ø Allow the students to stick the flash cards on their respective groups (Excellent person or Perfectionist).

Ø Once they have placed the wrong flash cards in a group their points will be deducted (right minus wrong).


c. Divide the class into two groups, namely the Excellent persons and the Perfectionists.


2. Activity

a. Allow each group to eliminate first the flash cards that does not belong to the group.


b. Ask them to stick the flash cards in their respective columns on the board.

….Excellent….

….Perfectionist…..



3. Post-Activity

Check the works done by the two groups.


D. Application

As student of Education, allow them to list down their ideas on how they will become an excellent teacher someday.

Some guidelines on how to become an excellent teacher:

  1. Explain everything clearly to the students.
  2. Be ready to take those questions.
  3. Listen to what your students have to say.
  4. Spice up learning.
  5. Be fair to all students.
  6. Encourage confidence in your students.

E. Values Integration

For instance, one of your cousins has a low self-esteem due to his/her poor performance at school and envied to his/her classmate who received the highest remarks in the class. As future teachers, how will you motivate your cousin to become an excellent student?

As a future teacher I will give some advice to my cousin on how to become an excellent student. I will tell him that he/she must:

  1. Be on time and prepared for the class.
  2. Sit in front of the class.
  3. Get involved with the lesson and interact with the class materials and the teacher.
  4. Turn in all home works and assignments on time or early if he/she can.
  5. Take 10 minutes each night per class to review your notes.
  6. Go to any extra study groups or meet with your teacher to talk about material that you may be having problems within the class.
  7. Allow your curiosity to help you dig deeper into the class.

F. Generalization

What did you learn today?

Ø Excellence is performing one’s task to the highest standard.

Ø Perfection is, broadly, a state of completeness and flawlessness.

Ø A Perfectionist sets standards beyond reason, never satisfied unless it is perfect, becomes angry or depressed with failure, is obsessed with fear of failure, and sees mistakes as proof of unworthiness, defensive with feedback.

Ø A High Achiever sets high standards, enjoys the process as much as the outcome, see failure as experience and learning, construction manager anxiety and fear to benefit, sees mistakes as opportunities, and sees feedback as crucial to growth.

Ø To be an excellent person you must:

1. Start being honest to yourself.

2. Be optimistic.

3. Be open to not only teaching others, but learning from them as well.

4. Stick to the decisions you make.

5. Welcome the idea of being part of a team no matter how small or large the task is at hand.

6. Do a job to the best of your ability.

7. Be polite, courteous and have a sense of humor.

8. Always keep the phrase “actions speak louder than words.”

IV. Evaluation

Direction: Let each group explain their works in front of the class.

….Excellent….

….Perfectionist…..



Prepared by: Group 4 of BSE II-A

Lucas, Ma. Salome

Salonga, Sandhy

Ropa, Lea

Mendoza, Joana Marie

Sunday, January 25, 2009

Dr. Jose Rizal: Mga Alaala ng Kabataan

Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay masakitin at maliit na bata, siya ang alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan, kapag naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa o kaya’y pinagmumunimunihan niya ang kagandahan ng kalikasan, Naisulat niya sa kanyang talaarawan na noong tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang "buong paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon.

Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinipon ng kanyang ina ang mga anak para makapagdasal na sa Orasyon. Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawan ng mabilog na buwan ang kanilang azotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose) ng mga kuwento tungkol sa engkantada, kuwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante, at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang pumukaw sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong bayan. May mga gabing ayaw kumain ng hapunan ni Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga aswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong Bombay na kukuha sa kanya kung hindi siya maghahapunan.

Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi. Kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog, kung saan nakatatakot na imahen ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: "Dahil ang aking puso ay maraming malulungkot na kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na rehiyon ng kababalaghan."


source: http://www.joserizal.ph/ge04.html

Dr. Jose Rizal: Ang Unang Kalungkutan ng Bayani

Malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Rizal. Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at magtulungan.

Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha, sanhi ng sakit noong 1865 nang siya at tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang",sabi niya, "namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal…" Ang pagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya.

source: http://www.joserizal.ph/ge05.html

Dr. Jose Rizal: Peregrinasyon sa Antipolo

Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang Peregrinasyon na ipinanata ni Donya Teodora nang isilang si Jose. Hindi nakasama si Donya Teodora dahil kasisilang pa lang niya noon kay Trinidad.

Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang Peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata, tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa "kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi’.
Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila. Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana.

source: http://www.joserizal.ph/ge06.html

Dr. Jose Rizal: Ang Kwento ng Gamugamo

Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA".

Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit hindi niy ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito.

"Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?".

Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis.

Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata.

Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin.

source: http://www.joserizal.ph/ge07.html

Dr. Jose Rizal: Mga Talinong Pansining

Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o wax.

Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba at lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal.

Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak, pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at mala gatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig sa awitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama na tinawag niyang ALIPATO,at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang USMAN.

Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa kanyang eskulturang luwad. Isang araw nang siya ay anim na taong gulang, pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habang nagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: " Sige pagtawanan ninyo akon nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.

Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".

Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika ang siyang makikipaglaban para sa kalayaan tulad ng "ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan", at ang Tagalog nga ay wikang maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol at iba pang wika.

source:http://www.joserizal.ph/ge08.html