Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay masakitin at maliit na bata, siya ang alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan, kapag naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa o kaya’y pinagmumunimunihan niya ang kagandahan ng kalikasan, Naisulat niya sa kanyang talaarawan na noong tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang "buong paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon. |
This blog will provide some general ideas from my favorite sites, blogs, and my personal experiences from school. I hope that my blog could help you find significant resources and references for your personal purposes. Please leave a comment every time you visit my blog. Thanks! God Bless!!!
About Me
- ShALOMEe
- I like Cardcaptor Sakura! and also, FullMetal Alchemist: Brotherhood!
Sunday, January 25, 2009
Dr. Jose Rizal: Mga Alaala ng Kabataan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment