Isang Linggo ng Hunyo, 1869, pagkaraang makapagmano sa mga magulang at makapagpaalam sa mga kapatid na babae, nagtungo si Rizal sa Binan. Sinamahan siya ni Paciano, na siyang pangalawa niyang ama. Ang magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang patutunguhan pagkaraan ng isa’t kalahating oras. Nagtungo siya sa bahay ng kanilang tiya kung saan mangungupahan si Rizal. Magdidilim na nang makarating sila roon at malapit nang sumikat ang buwan.Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si Leandro . Sa halip na matuwa sa pamamasyal naramdaman ni Jose na hinahanap-hanap na niya ang mga magulang at kapatid. " Kapag maliwanag ang buwan," naalala niya, "pumasok sa aking isipan ang aking bayan, ang hinahangaan kong ina, at mga mapagbigay na kapatid. A, totooong napamahal sa akin ang Calamba, ang aking bayan , kahit na hindi ito kasingyaman ng Biñan.
source: http://www.joserizal.ph/ge15.html
No comments:
Post a Comment