Kinaumagahan (Lunes), dinala ni Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni MAESTRO JUSTINIANO AQUINO CRUZ. Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan, mga 30 kilometro, mula sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil siya ay naging estudyante niya noon. Ipinakilala niya si Jose sa Guro. At pagkaraa’y bumalik na siya sa Calamba. Kaagad na binigyan ng sariling puwesto si Rizal sa kanilang klase. Tinanong siya ng guro: "Marunong ka bang mag-Espanyol?" "Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng batang taga-Calamba. "Marunong ka bang mag-Latin?" "Kaunti po, Ginoo." Nagtawanan ang mga kaklase niya, lalo na si Pedro na anak ng guro.
Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Binan. "Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina NEBRIJA AT GAINZA. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".
source: http://www.joserizal.ph/ge16.html
No comments:
Post a Comment