Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Binan. Nang panahong iyon, ganoon ang karaniwang edukasyon para sa isang anak ng isang Ilustrado, na binubuo ng apat na aralin – PAGBASA, PAGSULAT, ARITMETIKA, AT RELIHIYON. Ang pagtuturo ay mahigpit at istrikto. Ang pagbibigay ng kaalaman ay ipinipilit sa mag-aaral sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya ng mga aralin na may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Ganito man ang kamalian sa sistema ng edukasyon ng mga Espanyol, nakapagtapos din si Rizal ng pag-aaral na siyang paghahanda niya para sa kolehiyo sa Maynila at ibang bansa. Masasabing si Rizal, na ipinanganak na masakitin, ay naging higanteng intelektwal kahit na sinauna pa ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas noong mga huling dekada ng Panahon ng Espanyol.
source: http://www.joserizal.ph/ge13.html
No comments:
Post a Comment